Mga guro at kawani ng Batasan National High School (BNHS), nag-volunteer na maglinis at mag-ayos ng plant nursery ng DENR National Capital Region sa La Mesa Water Reservation area noong Biyernes, ika-10 ng Pebrero, 2023. Pinangunahan ni Dr. Joel B. Parcadilla at Dr. Josephine Q. Meranda—Head Teachers ng Math at English Department ayon sa pagkakasunod—ang gawain. Nais sana nilang magkaroon ng tree planting activity ngunit dahil paparating na ang tag-araw at lipas na ang panahon ng pagtatanim, nagpasya silang magsagawa na lamang ng tree caring activity. Maliban sa paglilinis, tumulong din sila na maglipat ng punla sa mga pasò.
- Details