Photo Releases

DENR NATIONAL CAPITAL REGION PINARANGALAN NG CAREER EXECUTIVE SERVICE BOARD SA KANILANG IKA 50 NA ANIBERSARYO
 
Pinarangalan ng Career Executive Service Board (CESB) ang DENR Association of Career Executives – National Capital Region (NCR) at ang DENR-NCR sa isinagawa nitong “Parangal, Pagpupugay, at Pasasalamat” kaugnay sa ika-50 anibersaryo na pagkakatatag nito na ginanap noong ika-28 ng Nobyembre.
 
Ang mga parangal na tinanggap ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ay alinsunod sa mga gawain ng tanggapan para sa pagtaguyod ng kapakanan ng mga tao, pagpapakilala ng sustainability sa pagkamit ng kapayapaan at kasaganaan at aktibong pakikilahok sa mga inisyatiba ng Community Passion (ComPassion) bilang suporta sa CESB. Dagdag din dito ang walang patid na suporta, sa pagiging palagian, at maaasahang katuwang ng CESB sa mga aktibidad at kaganapan nito.
 
Sa mga nakalipas na taon, ang DENR-NCR, ay aktibo sa pagsasagawa ng mga aktibidad na kaugnay sa ComPassion project ng CESB, kabahagi rito ang iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng mga kabataan, mga senior citizen at persons with special needs, at mga marginalized groups sa Metro Manila.
 
Binigyang parangal din sa seremonya ang iba pang mga opisyal ng DENR mula sa iba’t ibang mga Opisina nito na mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ito ay pinangunahan at pinangasiwaan ni CESB Executive Director Maria Marcy Cosare-Ballesteros, katuwang ang iba pang mga opisyal ng tanggapan.
CAREER EXECUTIVE LEADERSHIP SUMMIT NEXUS LEADERSHIP TOWARDS TRANSFORMATION REGENERATIVE PATHWAYS AND RESILIENCE
 
Isa si DENR National Capital Region Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan sa mga aktibong opisyal ng DENR na nakiisa sa isinagawang Career Executive Leadership Summit na may temang “Nexus Leadership Towards Transformation, Regenerative Pathways, and Resilience” noong ika-26 at ika-27 ng Nobyembre.
 
Ang layunin ng Summit ay ang matiyak na ang mga kalahok ay makakamit ang isang malalim na pag-unawa sa mga prinsipyo at gawi na kaugnay sa hangaring pagbabago, matalinong paggawa ng desisyon, mga regenerative na gawain na alinsunod sa sustainability, at mga diskarte para patatagin ang pamumuno.
 
Dagdag pa rito ay upang tukuyin ang mga pagkakataon para sa paggamit ng mga digital na teknolohiya upang mapahusay ang pagiging epektibo ng pamumuno sa larangan ng pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman, at mapahusay ang mga kasanayan sa komunikasyon at pakikipagtulungan sa mga kapwa opisyal upang maisakatuparan ang layuning matagumpay na pagbabago.
 
Si Caancan ay nagsilbing isa sa mga tagapangulo ng isa sa mga usapin na tinalakay sa aktibidad, ang “Fostering Diversity, Equity and Inclusion.” Kasama rin niya na dumalo rito ang kanyang mga Assistant Regional Director, Erlinda O. Daquigan (Management Services) at Engr. Henry P. Pacis (Technical Services).
 
Ang dalawang (2) araw na pagtitipon ay pinangunahan nina DENR Undersecretary (Usec.) for Field Operations – Luzon, Visayas, and Environment Atty. Juan Miguel T. Cuna; Usec. for Field Operations – Mindanao Joselin Marcus E. Fragada; and Usec. for Organizational Transformation and Human Resources Augusto D. Dela Peña. At dinaluhan ng ilan sa mga Assistant Secretaries, Service Directors, Regional Executive Directors, Bureau Directors, Head of Attached Agencies, at Heads of Task Forces.
 
Ang DENR-NCR ay naging katuwang ng DENR Central Office sa pagpaplano at pangangasiwa ng buong kaganapan na pinamunuan ni Assistant Secretary for Human Resources, Strategic Communication and Sectoral Initiatives Hiro V. Masuda.
DENR NATIONAL CAPITAL REGION NAGSAGAWA NG PERFORMANCE ASSESSMENT CY 2023 AT STRATEGIC PLANNING WORKSHOP FY 2024
 
Idinaos ng Office of the Regional Executive Director (ORED) ng DENR National Capital Region ang Performance Assessment CY 2023 at Strategic Planning Workshop FY 2024 nito noong ika-25 hanggang ika-26 ng Nobyembre sa Batangas City. Ito ay pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan, kasama si OIC Assistant Regional Director for Management Services Erlinda O. Daquigan at Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO) Site Coordinating/Management Officer Forester Haidee D. Pabalate.
 
Sa mensahe na ibinigay ni Caancan, aniya mahalaga na maging mas matatag pa ang ORED para sa susunod na taon, mas maging madiskarte, at alamin ang mga hamon at bigyang solusyon ang mga ito. “We need to look at the activities and review all the activities to attain what we want after this. All involved offices shall help about it to move forward better. The gaps, problems, challenges, and constraints are very important to address effective, effective, and sustainable solutions.”
 
“We need to review the structure to translate into the operations, to streamline, maximize the manpower, and establish a connection within the organization and with the target partners and stakeholders. I hope 2024 will bring us more success and will have more accomplishments,” dagdadg pa ni Caancan.
 
Layunin nito na suriin ang mga naisagawang mga aktibidad ng ORED na ibinigay sa publiko para sa taong ito at planuhin at hasain nang mabuti ang kalidad ng serbisyo kaugnay sa mga programa, proyekto, at aktibidad na gagawin naman para sa susunod na taon. Naging sentro rin nang talakayan ang pagdating sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.
 
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga kawani mula sa ORED na nagmula sa iba’t ibang mga opisina nito, ang Office of the Assistant Regional Director for Management Services, Office of the Assistant Regional Director for Technical Services, Regional Strategic Communication and Initiatives Group, MBSCMO, at ang Regional Action Center. Kasama rin sa nakiisa rito ang mga kinatawan mula sa Production Forest and Management Section ng Conservation and Development Division at Regional Information and Communication Technology Unit ng Planning and Management Division.
 
DENR NATIONAL CAPITAL REGION NAGSAGAWA NG RAPID GREEN BIODIVERSITY ASSESSMENT SA LMWR
Nagsagawa ang Conservation and Development Division ng DENR National Capital Region ng Rapid Green Biodiversity Assessment para sa La Mesa Watershed Reservation (LMWR) noong ika-21 hanggang ika-24 ng Nobyembre.
 
Layunin ng aktibidad na suriin ang biological at physical na kondisyon ng LMWR at ang kalagayan ng iba’t-ibang uri ng halaman at puno na nakatanim sa mga itinakdang National Greening Program (NGP) sites mula rito.
 
Ang biodiversity ay isang mahalagang aspeto ng ecosystem sa mundo, ito ay nagsisilbing indikasyon ng kalusugan ng isang lugar lalo na sa mga urban area tulad ng Metro Manila. Ito rin ay nagbibigay ng maraming ecosystem services na mahalaga sa lahat ng nabubuhay sa mundo.
 
Ang LMWR ay naitatag taong 2007 sa bisa ng Proclamation no. 1336 ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo na ang layunin ay maprotektahan at mapabuti ang kalidad ng supply ng mapagkukunan ng sariwa at malinis na tubig. Ito ay ang pangunahing pinagkukunan ng sariwa at malinis na tubig para sa mga residente sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya, at nagsisilbing tahanan ng iba’t-ibang uri ng endemic species ng flora at fauna. Ang lawak nito ay binubuo ng 2,659 hectares at matatagpuan sa hilagang bahagi ng Metro Manila na sumasaklaw sa Quezon City, Caloocan City at bahagi ng Rodriguez, Rizal.
 
Ang DENR-NCR ay patuloy na hinihikayat ang kooperasyon ng iba’t-ibang stakeholders mula sa pribado at pampublikong sektor para sa patuloy na pagprotekta at pangangalaga ng biodiversity at pagpapayabong ng NGP sites sa loob ng watershed area upang patuloy na makapagbigay ng mga benepisyong panlipunan, pang-ekonomiya, at higit sa lahat ay para sa kapaligiran at likas na yaman.
MONTESSORI DE MANILA NAGSAGAWA NG MORNING WALK AT BIRDWATCHING EXCURSION SA LPPWP
 
Natuwa ang mga guro at estudyante mula sa Montessori de Manila, isang pribadong paaralan sa Las Piñas City, sa isanagawa nilang morning walk at birdwatching excursion sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP). Sa gabay ng LPPWP Park Attendants, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na malaman nang malapitan ang tungkol sa wetland ecosystems at ang kahalagahan nito sa ekolohiya ng Metro Manila.
 
Ang mga educational field trip sa wetland park ay hinihikayat ng Protected Area Management Office (PAMO) ng LPPWP. Naniniwala ang PAMO na ang pag-expose sa mga bata sa mga natural na kapaligiran ay mahalaga para sa kanilang holistic na pag-unlad. Ito ay hindi lamang pinahuhusay ang kanilang pag-unawa sa mga sistemang ekolohikal ngunit nagdudulot din ng pakiramdam ng responsibilidad para sa kapaligiran. Bilang mga katiwala sa kapaligiran sa mga susunod na panahon, ang mga ganitong karanasan ay nakatutulong sa pag-unlad ng mga indibidwal na may kamalayan sa kapaligiran. Ang LPPWP, kasama ang magkakaibang ecosystem nito, ay nagsisilbing isang mainam na lugar upang pasiglahin ang koneksyon na ito sa pagitan ng mga mag-aaral at kalikasan.
 
Para sa mga interesadong guro at/o mga estudyante ng paaralan, magpadala lamang ng mensahe sa PAMO sa 0991-771-2566 o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para i-book ang inyong pagbisita sa LPPWP. Ikalulugod naming tulungan kayo at gawing tunay na sulit ang iyong pagbisita sa karanasan sa pag-aaral sa LPPWP.